Hindi napigilan ng matinding pananalasa ng bagyong ‘Ompong’ ang panibagong oil price hike na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.

Sa taya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng 50-60 sentimos ang kada litro ng gasolina, habang 10-20 sentimos naman ang inaasahang dagdag-presyo sa diesel at kerosene.

Ang nagbabadyang taas-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Setyembre 11 nang nagtaas ng 65 sentimos sa gasolina, diesel at kerosene.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sa loob ng dalawang linggong oil price hike nitong Setyembre 4 at 11, nadagdagan ng kabuuang P1.85 ang diesel, habang P1.60 naman sa gasolina at diesel.

-Bella Gamotea