LABIS ang pasasalamat ni Bea Binene sa mga beteranong co-stars niya sa Kapag Nahati Ang Puso, partikular na kina Sunshine Cruz at Bing Loyzaga. Hangang-hanga kasi ang mga netizens na nakikipagsabayan si Bea sa kapwa mahuhusay na aktres sa mabibigat na eksena sa serye.

Bea copy

“Kailangan ko rin pong paghusayan ang acting ko dahil ang huhusay ng mga kaeksena ko,” sabi ni Bea nang bumisita kami sa set ng Kapag Nahati Ang Puso sa Floridablanca, Pampanga.

“Ang sarap pong kaeksena sina Ms. Sunshine at Ms. Bing. Tinutulungan po nila ako, may guidance ako sa kanila, mula sa voice, sa pag-iyak ko, para raw hindi maging monotonous ang pag-deliver ko ng lines,” kuwento ni Bea.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Ganoon din naman si Tito Zoren (Legaspi), marami rin siyang naituturo sa akin kapag magkaeksena kami, lalo na doon sa ilang action scenes na kinunan namin.”

Natawa ang mga kaharap ni Bea nang sabihin niyang thankful siya na this time ay binigyan naman siya ng GMA ng role na totoong tao. Sa serye, siya si Claire na ang nakagisnang parents ay sina Nico (Zoren) at Miranda (Bing), pero very close siya kay Rio (Sunshine), na tunay pala niyang ina.

“Kasi po hindi ba noon ang mga roles ko, mga hayop ako o may pagka-telefantasya ang story kong ginawa. Ngayon lamang ako gumanap na mayaman, mas gusto ko pa rin iyong mahirap ang character ko, kasi kahit ano lamang puwede kong isuot,” natatawang sabi ni Bea.

“Pero masaya rin ako na medyo may action-action akong ginagawa ngayon. Isa rin kasi sa dream kong role iyong makagawa ng action teleserye. Marunong po naman kasi akong mag-wushu at iba pang martial arts, na nagamit ko sa mga telefantasya series na ginawa ko noon, like Captain Barbel.”

Pero hindi lamang mga teleserye ang gustong gawin ni Bea. Thankful siya nang tawagan siya ng GMA News & Public Affairs para mag-pinch hit kay Iya Villania-Arellano sa “Chika Minute”segment ng 24 Oras. Ang tagal na raw kasi niyang hinintay iyon, at natuwa siya na hindi lamang once but twice pa siyang nag-host ng said segment ng 24 Oras.

“Nasa Good News po ako sa GMA News TV, at thankful po ako dahil dream ko talagang maging isa ring news anchor. Hoping matupad din iyon sa very near future.”

-Nora V. Calderon