Saso at Asian Games gold golf team umayaw sa cash incentives

Ngunit, bago mangarag ang nitizens, hindi literal na nabalewala ang P14 milyon na cash incentives ni Asian Games gold medalist Yuka Saso at ng kanyang golf buddies na sina Asiad bronze medal winner Bianca Pagdanganan at LK Go.

DIGONG’S DAB! Masayang nakiuso si Pangulong Duterte sa dab moves kasama si Asian Games skateboarding gold medalist Margielyn Didal sa ginanap na awarding ceremony para sa cash incentives ng mga atletang nagwagi ng medalya sa Jakarta Asiad. (JANSEN ROMERO)

DIGONG’S DAB! Masayang nakiuso si Pangulong Duterte sa dab moves kasama si Asian Games skateboarding gold medalist Margielyn Didal sa ginanap na awarding ceremony para sa cash incentives ng mga atletang nagwagi ng medalya
sa Jakarta Asiad. (JANSEN ROMERO)

Bilang pagbibigay proteksyon sa kanilang katayuan bilang amateur sa US NCAA kung saan kapwa nag-aaral ang tatlong batang golfers, napagdesisyunan ng tatlo, sa gabay na rin ng kanilang mga magulang, na i-donate ang kanilang premyo sa National Golf Association of the Philippines (NGAP) development program.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ayon kay NGAP secretary-general Bones Floro, mas pinili ng tatlo na manatilibng amateur ‘ due to the immutable circumstances’ kung kaya’t tinanggihan nito ang cash incentives mula sa pamahalaan at sa pribadong sektor matapos mapabilang sa medallists sa katatapos na 18th Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Nakamit ni Yuka Saso ang gintong medalya sa women’s individual class, habang nagtapos si Pagdanganan sa bronze medal. Kasama ang iskor ni Go, nasungkit din ng Pinay trio ang gintong medalya sa team competition – kauna-unahan sa kasaysayan ng golf event sa bansa. Pawang teen-ager ang tatlong golf star at nag-aaral sa US kung saan bahagi sila ng NCAA team.

“Du e t o i mmu t a b l e circumstances, we are unable to accept any and all forms of financial reward. At present, two of us are actively playing in the NCAA in the United States, with the third, soon to follow,” pahayag ng tatlo sa opisyal na pahayag na ibinigay sa media.

“We will automatically lose our amateur status the moment we keep these incentives, as well as the opportunity to continue representing the Philippines in the future.”

I p i n a h a y a g n g t a t l o ang desisyon matapos ang isinagawang awarding ceremony ng cash incentives sa Malacanang nitong Miyerkoles. Sa naturang okasyon, ipinahayag ni Pangulong Duterte ang dagdag na tig-P2 milyon na cash incentives kay Saso at sa kanyang teammates, gayundin kina Margielyn Didal ng skateboarding at Hidilyn Diaz ng weightlifting.

Sa kabuuan, nakatakda sanang tanggapin ni Saso ang P9.3 milyon, habang si Pagdanganan ay may P2.5M at si Go ay may P2M.

“We unanimously agreed that if it were possible to donate this money to support the national golf program – and thus help other aspiring golfers reach their goals – this would be the best scenario for us,” sambit ng tatlo.

“After consulting the world golf governing body, The Royal and Ancient Golf Club of St. Andrews, we were advised that this was a viable option. We are thus confident that the NGAP will allocate these resources in a prudent, equitable, and ideal manner, consistent with our intentions. “

Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez, ang dagdag na P2 milyon na bigay ng Pangulong Duterte ay magmumula sa ahensiya.

“I have already directed the PSC to provide additional incentives to be sourced from its funds to the winning individuals of the 18th Asian Games,” pahayag ni Duterte nang kanyang makaharap ang mga bayaning atleta sa maisksing programa sa Malacanang.

Bunsod nito, umakyat sa kabuuang P8 milyon ang cash incentives na makukuha ng gold medallists -- P2 milyon mula sa Cash Incentives Act, P2 milyon mula sa Philippine Olympic Committee (POC), P1 milyon mula kay Presidential Adviser for Sports Dennis Uy, at P1 milyon mula kay Philippine ambassador to Indonesia Cesar Lee Hiong Tan Wee.

Sa Malacanang, pormal na iniaabot ng Pangulo ang P2 milyon cash incetives sa gold medalist batay sa Republic Act 10699. Ibinigay naman ang tig-P1 milyon sa dalawang silver medalist -- Kiyomi Watanabe sa judo at Rogen Ladon sa boxing, habang P500,000 sa 15 bronze medallists.

-ANNIE ABAD