SA part two ng guesting ni Sharon Cuneta sa Gandang Gabi Vice ay maraming rebelasyon ang Megastar tungkol sa mga lalaking romantically linked sa kanya.

Richard copy

Isa na rito si Richard Gomez, na after fifteen years ay muli niyang makakatambal sa pelikula.

“Two years din ang itinagal na aming relasyon na off-and-on ang naging takbo. As fate would have it, we have to part ways,” kuwento ni Sharon kay Vice Ganda.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Ang maganda dito ay we parted as friends. Hindi ako naglupasay at umiyak sa isang sulok. Maayos ang aming paghihiwalay, at hanggang ngayon ay we remained friends. Bihira itong mangyari sa ilang naging karelasyon ko,” dagdag pa ni Shawie.

“Marami nang mabago sa buhay namin. At kanya-kanya na kaming pamilya. My memories of Richard ay noong hindi pa siya mayor. I just don’t know kung ano ang mga pagbabago [sa kanya] sapul nang pasukin niya ang pulitika. Very focused person si Richard at maayos sa kanyang mga gamit. I am very proud of him.

“Tungkol sa aming balik tambalan, siyempre, I am happy at kabado,” pag-amin pa ni Sharon.

May forthcoming concert si Sharon celebrating her 40th anniversary sa showbiz sa September 28. Magiging guests ang ilang naging leading men niya sa pelikula, at tiyak na kabilang dito si Richard.

May surprise guest din na hindi pinangalan ni Shawie—at marami ang nagwi-wish na sana ay si Gabby Concepcion ang espesyal na bubulaga sa concert ng Megastar.

-REMY UMEREZ