MAY sunud-sunod na shows si Rufa Mae Quinto sa US ngayon kaya nagkaroon ito ng pagkakataon na makasama at maka-bonding ang kanyang Fil-Am husband na si Trevor Magallanes, na nakatira sa San Francisco, California.

Sa kanyang Instagram post ay ipinahayag ni Rufa Mae ang sayang nararamdaman dahil sa wakas ay kumpleto na ulit ang kanyang pamilya.

“Good night mga friendship from—Magallanes family! Ang saya ko,” post niya.

Pagkakataon na rin ito ni Rufa na i-congratulate ang kanyang asawa sa pagpasok nito sa San Francisco Police Academy. “Chance ko ding mag congratulations sa kanya kasi Police na ang asawa ko ... yahoo! Pasok na sya sa San Francisco police academy. Yay! Good job mahal... newly hired sya I’m so proud of you babe and keep up the good work for us ni @alexandriamagallanes sa bayan ng San Francisco! Go go go!,” pagmamalaking post ni Rufa.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

-Ador Saluta