LA TRINIDAD, Benguet - Labing-tatlong senior citizens at isa pang pasahero ang nasawi habang 25 iba pa ang nasugatan nang bumulusok ang sinasakyan nilang pampasaherong jeep sa 80 metrong bangin sa La Trinidad, Benguet, nitong Martes ng hapon.

Dead on the spot sina Victorino Banglagan, 67; Soledad Dammay, 70; Eliza Amoga, 70; Rosario Badong, 65; Isabel Bagni, 67; Agida Palangdao, 62; Lolita Latawan, 68; William Gamongan, 65; Leota Maday, 72; Angelina Benito, 62; Benjamin Badong, 68; Terresa Dulansi 70; at Annie Baluga, 45; habang namatay naman sa ospital si Martin Canao, 67.

Kaagad namang isinugod sa Kalinga Western District Hospital ang mga sugatan na sina Arnel Banglagan, 45; Anna Bagwingan, 75; Laika Barbosa 44; Imelda Cuzon, 52; Manuel Banguingan, 70; Caridad Palicas, 72; Jennifer Esteban, 40; Irene Dammay, 60; Pedro Maday, 82; Agida Palangdao, 42; Lolita Gullipis, 77; Mercedez Lingbao, 62; Joselyn Gannisi, 64; Conchita Canao, 61; Socorro Naganag, 56; Sonia Barbosa, 44; Necita Daggay, 61; Concordia Manadao, 61; Bartolome Balcanao, 85; Patricio Maday, 66; Edmund Duguit, 45; Mariano Palicas, 70; Nanette Gamongan, 61; Leonarda Dumaguing, 69; at Francisco Gumaad, Jr, 36.

Sa imbestigasyon ni Kalinga Provincial Police Office information officer, Chief Insp. Richard Gadingan, naganap ang insidente sa pakurbang kalsada sa Sitio Binalagan, bandang 2:30 ng hapon.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Aniya, pabalik na sa kanilang lugar sa Bgy. Dao-angan ang mga ito, sakay sa pampasaherong jeep (WRR-535) na minamaneho ni Franciso Gumaad, mula sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Balbalan kung saan sila kumuha ng pensiyon.

Pagsapit sa pakurbang bahagi ng kalsada ay biglang namatay ang makina ng jeep na naging dahilan upang mawalan ng kontrol sa sasakyan ang driver nito at tuluyang nahulog sa bangin.

Tumagal din ng ilang oras bago naiahon ang mga pasahero.

-RIZALDY COMANDA at FER TABOY