Naniniwala si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na dapat i-turn over ng Senado si Senador Antonio Trillanes IV sa mga awtoridad sakaling magbaba ang korte ng arrest warrant laban sa senador.

Sinang-ayunan ni Sereno ang sentimiyento ni Interior Secretary Eduardo Año, na pinuri niya sa pagkilala sa 1987 Constitution hinggil sa proseso ng pag-aresto.

Una nang hinikayat ni Año si Senate President Vicente Sotto III na “simply” dalhin si Trillanes sa Philippine National Police (PNP) headquarters sa Camp Crame sakaling ibaba na ng korte ang arrest warrant ng senador.

Ayon kay Sereno, nakikita niya ang proposal na “very wise”, at ipinagdiinan na si Trillanes ay duly-elected official ng “high-level” position.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“It was refreshing actually to hear the statement of Sec. Eduardo Año of the DILG,” pahayag ni Sereno sa briefing matapos niyang bisitahin kahapon si Trillanes sa Senado. “It would be preferrable that the Senate President encourage Sen. Trillanes to turn himslef over to the civilian court, instead of the PNP coming to fetch and arrest him.”

-Vanne Elaine P. Terrazola