TRIPOLI (AFP) – Bumagsak ang mga rocket sa natatanging bukas na paliparan sa kabisera ng Libya, ang Tripoli nitong Martes ng gabi, ngunit walang iniulat na namatay o napinsala.

Nangyari ito ilang araw matapos muling magbukas ang Mitiga International Airport na napilitang magsara sa loob ng isang linggo dahil sa madugong bakbakan ng magkakaribal na militia sa Tripoli at sa paligid nito.

Umabot na sa 50 katao ang nasawi at 138 ang nasugatan – karamihan ay mga sibilyan – dahil sa mga bakbakan simula noong Agosto 27, ayon sa health ministry.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture