TALAGANG ibang kilig ang naramdaman ni Jo Berry, ang bida ng Onanay, dahil kay Ken Chan, sa true lang.

Nag-break muna sa pagiging seryosong aktres si Jo, ang lead star sa GMA Primetime series na Onanay kung saan gumaganap namang nanay niya si Superstar Nora Aunor habang sina Mikee Quintos at Kate Valdez naman ang gumaganap bilang kanyang mga anak.

Bakit sobrang kinilig si Jo dahil kay Ken?

Sa pagbisita kasi ni Jo sa show ni Arnold Clavio na Tonight With Arnold Clavio kamakailan, ay hindi hindi niya naitago ang saya dahil sa hindi inaasahang mensahe sa kanya ng crush niyang Kapuso actor na si Ken.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ayon kay Jo, isa talaga si Ken sa mga Kapuso actors na hinahangaan niya. Kilig na kilig ding ibinahagi ng small but terrible actress ang naging palitan nila ng mensahe ng My Special Tatay. Talbog ang mga nagtatangkarang Kapuso female stars, in fairness.

Aba, Jo Berry, ha! Ibang level ka na. Nagte-text sila ni Ken at nagpapalitan din ng mensahe sa kani-kanilang social media accounts.

Ang tanong, tuluyan kayang masabi ni Ken kay Jo ang mga katagang, “You are my special angel Onanay”?

Well, kung walang kokontra ay malamang na mangyari ito.

-Mercy Lejarde