NAGBUNGA ang halos araw-araw na pagpo-promote ni Vice Ganda sa It’s Showtime, ng kanyang Vice Cosmetics event, na layuning i-break ang Guinness World Record ng pinakamarami at sabay-sabay na paggamit o pag-a-apply ng lipstick sa isang venue.

Vice Ganda

Last September 8, sa selebrasyon ng unang taon ng Vice Ganda’s lipstick line dubbed as Ganda for All, na ginanap sa Araneta Coliseum at dinaluhan ng mga OPM artists—tulad nina Darren Espanto, Yeng Constantino, Moira dela Torre, Gloc 9, Shanti Dope, Keiko Neccesario, Mayonnaise at iba pa—nasungkit ng unkabogable star ang record na hawak dati ng Mary Kay China Cosmetics with the number of people applying lipstick in one venue at a given time.

Sa kabuuan, 6,900 participants ang nakilahok beating Mary Kay China, na may hawak ng world record sa 5,840 sabay-sabay na nag-lipstick, noong 2015.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

-ADOR SALUTA