TUMULAK patungong Las Vegas ang mga miyembro ng PBA Board of Governors para sa taunang pagpupulong at plano para sa mga gagawing pagbabago sa liga sa mga susunod na season.

Ngunit, taliwas sa nakilapas na taon kung saan nagkaaroon ng kontrobersya bunsod nang pagnanais ng pitong miyembro ang pagpapatalsik sa noo’y commissioner na si Chito Narvasa, pagkakaisa ang larawan ng tanging basketball league sa bansa.

Tuluyang nagbitiw si Narvasa bunsod na rin ng pakiusap ni dating PBA Chairman Ricky Vargas.

Nahalal naming chairman si Vargas, habang nagkakaisa ang governors para italaga bilang bagong commissioner si media bureau chief Willie Marcial.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ito ang unang pagkakataon na nagtalaga ng commissioner na nagmula mismo sa pamilya ng liga.

Walang pagbabago na inaasahan dahil hanggang Disyembre ang tungkulin ni Vargas matapos palitan si NLEX chief Ramoncito Fernandez, ngayon ay nasa Maynilad Water.

Kung mananatili o hinsi na, kabilang din ang usapin sa gaganaping pagpupulong.

Si Dickie Bachmann ng Alaska Aces ang kasalukuyang PBA vice chairman.

Sa ginanap na emergency board meeting sa Hong Kong naresolba na nang maaga ang ilang issue tulad ng rule changes at formats para sa susunod na season.

Ang regular planning session ang inaasahang maisaayos gayundin ang proposed games sa Guam sa Oct. 8 at 9 sa pagitan ng NLEX, Rain or Shine at Barangay Ginebra San Miguel, gayundin ang Dubai sa April sa susunod na taon na tatampukan ng Barangay Ginebra, Magnolia at posibleng Alaska.

Ang league governors ay inaasahan ding magbibigay nang pormal na pagsuporta sa Gilas Pilipinas program, na napabalitang nagkakaisang ibibigay ang tungkulin kay Asian Games at NLEX coach Yeng Guiao bunsod na rin ng hiling ni Samahang Basketbol ng Pilipinas chairman emeritus Manny V. Pangilinan.

Kasama rin sa pagpupulong sina Rene Pardo of Magnolia, Atty. Raymond Zorrilla of Phoenix, Atty. Mert Mondragon of Rain or Shine, Rod Franco of NLEX, Dickie Bachmann of Alaska, Robert Non of San Miguel Beer, Silliman Sy of Blackwater, Bobby Rosales of Columbian Dyip, Erick Arejola of NorthPort at Alfrancis Chua of Barangay Ginebra.

-Tito S. Talao