TATLONG magkakasunod na quotation cards ang ipinost ni Sunshine Cruz na pawang tungkol sa suporta ng ama sa mga anak. Kahit walang binanggit na pangalan, alam na ng lahat kung sino ang pinatutungkulan ng aktres.

Cesar at Sunshine

Sabi ng isang quotation card: “Real Dads Support Their Children Without The Law Telling Them They Have To.”

Sinundan ito ng isa pa: “A good father is a man who supports his children even when he has no money.”

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Ang ikatlo: “There is a big difference between ‘CAN’T’ and ‘It Just Isn’t A High Priority’.”

May nag-suggest na mag-file si Sunshine ng kaso laban sa dating asawang si Cesar Montano.

“There is an ongoing case. May order na rin po ang korte sa dapat niyang gawin/ibigay pero hindi pa rin siya nagko-comply. Filing a motion again soon.”

May nag-advice rin kay Sunshine na sana ay mapag-usapan na lang nila in private ni Cesar ang financial support nito sa kanilang tatlong anak, para na rin sa privacy ng mga bata.

“Thanks for the advice. Have been doing that for the past years! Unfortunately, walang positive effect. The more na nagiging grabe dahil palagi kaming nagpapasensiya, tumatahimik, at nagbibigay.”

Noong Thursday, September 6, ay nag-post uli ng quotation cards si Sunshine, kabilang ang “Be Strong Enough To Stand Up For Something” at “I Will Not Stay Silent So That You Can Stay Comfortable.”

Heto ang caption ni Sunshine sa panibagong quotation cards na ipinost niya sa social media: “Sometimes, you have to do what you have to do in order to be heard. We waited for years! Patiently and quietly. I am doing this not for myself but because I know what the children deserve.”

Samantala, may nag-post sa Facebook na nagpakilalang si Tres Marias, at inilabas ang resibo na nagpapatunay na sinusuportahan ni Cesar ang tatlo niyang anak kay Sunshine.

Ang nasabing resibo ay mula sa De La Salle Santiago Zobel School, may pay slip ng Union Bank at BDO, resibo ng school uniform, at iba pang resibo ang ipinost. May isa na nakapirma pa si Sunshine.

Siguradong may sagot dito si Sunshine, kaya hintayin natin.

Anyway, may nag-comment uli na mabuti at may teleserye sa GMA-7 si Sunshine, ang Kapag Nahati Ang Puso, dahil may trabaho siya at may tinatanggap na talent fee. Dahil mahusay na aktres, tiyak na may mga susunod pang projects si Sunshine sa telebisyon at pelikula.

Speaking of Kapag Nahati Ang Puso, may mga kinikilig sa tambalan nina Sunshine at Benjamin Alves, at may mga kinikilig din sa tambalan nina Sunshine at Zoren Legaspi. Ibig sabihin, pang-all ages ang beauty at kaseksihan ng aktres.

-NITZ MIRALLES