Slaughter, makalalaro sa PH Team bilang lokal player

Pormalidad na lang mula sa FIBA (International Basketball Federation) ang hinihintay para masigurong lalaro bilang local player sa Team Philippines si ‘Gregzilla’.

Ang 6-foot-9 slotman ng Ginebra Kings na si Greg Slaughter ay bahagi ng 16- man line-up na binuo ni National coach Yeng Guiao para isabak sa 2019 FIBA World cup Asian Qualifiers. Nagkaroon lang ng isyu sa kanyang eligibility, ngunit hindi ito ganoon kalala.

Ayon kay Slaughter, naisumite na niya ang karagdagang dokumento na hiningi ng FIBA para patunayan na eligible siyang maglaro bilang isang local player.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“So far, it’s pretty positive from what the management is telling me,” pahayag ni Slaughter sa post-game interview nitong Miyerkules matapos ang pagwawagi ng Ginebra laban sa Northport sa 2018 PBA Governors’ Cup elimination.

“We’re just getting all the documents to FIBA and we’re just waiting on their decision,” aniya.

Magaan lamang ang isyu kay Slaughter (passport).

Batay sa regulasyon ng FIBA ang isang foreign-breed player ay makalalaro sa kanyang bansa bilang locals kung nakapagsumite ito ng dokumento at nabigyan ng Philippine passports bago tumuntong sa edad na 18. Nakuha ni Slaughter ang kanyang Philippine passport bago ang ika-16 kaarawan.

“They just needed a few more documents like birth certificates. Other than that, I can’t really tell you much,” pahayag ni Slaughter.

“Absolutely not [passport issue]. I had my passport at a very young age, even before I knew I was gonna live in the Philippines because we would visit like every summer with my mom,” aniya.