Sa paniniwala na hindi matatamo ang quality education nang walang kapayapaan at seguridad, patuloy na pinalalakas ng Department of Education (DepEd) ang mga pagsisikap nito na tiyaking ang lahat ng Pilipinong mag-aaral sa basic education level ay ligtas at nakakasabay sa global trends na nakaaapekto sa kanila.

Binigyang-diin ni Education Secretary Leonor Briones ang pagsisikap na ito sa pagpapalakas sa K to 12 curriculum na nakapokus sa peace and global citizenship education sa idinaos na First United Nations Association of the Philippines (UNAP) Stakeholders Conference kamakailan.

May temang “The Role of Education in Our Journey to Peace and Security,” ang kumperensiya ay dinaluhan ng peace advocates, education leaders, youths, at iba pang stakeholders.

-Merlina Hernando-Malipot
Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador