LAGAWE, Ifugao – Nangibabaw ang mga atleta mula sa Cluster 4, binubuo ng mga atleta mula sa munisipalidad ng Mayoyao at Aguinaldo, sa napagwagihang limang ginto, tatlong silver at tatlong bronze medal sa Indigenous People’s Games kamakailan sa Lagawe Plaza.

UMAASA ang mga batang atleta mula sa iba’t ibang tribo sa Ifugao na hindi malilimot ang kanilang tradisyon at muli silang magkakasama sa pagtatapos ng inaugural Indigenous Peoples Games ng Philippine Sports Commission (PSC) kamakailan sa Provincial Plaza ng Lagawe. (PSC PHOTO)

UMAASA ang mga batang atleta mula sa iba’t ibang tribo sa Ifugao na hindi malilimot ang kanilang tradisyon at muli silang magkakasama sa pagtatapos ng inaugural Indigenous Peoples Games ng Philippine Sports Commission (PSC) kamakailan sa Provincial Plaza ng Lagawe. (PSC PHOTO)

Nagwagi ang Mayoyao-Aguinaldo IPs sa mga tradisyunal na larong paktilan, volleyball boys, hangul boys, kadang-kadang, at dopap di baboy para tanghaling kampeon sa ikatlong leg ng IP Games na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC),

Pumangalawa ang Kiangan-Hungduan team tangan ang apat na ginto, tatlong silver, at dalawang bronze, habang pangatlo ang Banaue-Hingyon na may tatlong ginto, apat na silver at tatlong bronze medal.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tumapos sa ikaapat ang host Lagawe sa napagwagihang dalawang ginto, dalawang silver at tatlong bronze kasunod ang Asipulo-Tinoc (2-2-1) at Alfonso Lista-Lamut (0-2-3).

Tumanggap ng P3,000 cahs incentives ang mga nagwagi, habang may P2,000 at P1,000 ang runner-up. Sa individual event, may naiuwing P1,500 ang gold medalist at P1,200 at P800 ang sumunod.

Kabuuang 435 estudyante mula sa public elementary at secondary schools sa Ifugao province ang nakilahok sa IP Games na naglalayong maisulong ang mga tradisyunal na laro at mabigyan ngsapat na suporta ang mga IP sa buong bansa.

Ipinahayag ni PSC Commissioner Charles Raymond A. Maxey na mananatili ang programa para maitaguyod ang Indigenous Peoples.

“We really appreciate the participation of all municipalities. They have shown their commitment towards the goal of preservation of their culture and tradition, specifically their traditional games,” pahayag ni Maxey,

May kabuuang 70 guro at sports leaders ang nakiisa sa isinagawang IP Forum.

Pinangansiwaan nina Mindanao State Univeristy (MSU) – Marawi City Professor Henry Daut, Provincial Tourism Office Roscoe Kalaw at Department of Education (DepEd) – Ifugao Indigenous Peoples Education (IPEd) Coordinator Herminia Hoggang ang naturang Forum.

Sunod na ilalarga ang IP Games sa Bukidnon at Benguet sa October.