BAGUIO CITY -- Selyado ng isang Memorandum of Agreement ang kasunduan ng Philippine Sports Commission (PSC) at Baguio City at Benguet para sa pagtatanghal ng Batang Pinoy National Championship sa Setyembre 15-21.

Nilagdaan nina PSC Commissioner Celia Kiram, Baguio City Mayor Mauricio Domogan at Benguet Provincial Governor Crescencio C. Pacalso ang MOA kamakalawa sa Fortune Hong Kong Seafood Restaurant dito.

Lubhang ikinasiya ni Mayor Domogan ang pagkakapili sa kanilang lalawigan upang maging host ng programa ng PSC para sa grassroots na naglalayon na humanap ng dekalidad na talento upang maging Superstar athlete sa hinaharap.

“We are ready and we are very thankful to PSC for choosing Baguio City and Benguet to host the Batang Pinoy national championships,” pahayag ni Domogan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ayon sa alkalde na dedepensahan nila ang titulo ng Baguio na siyang may hawak ng kampeonato sa nakaraang edisyon ng Batang Pinoy.

Ikinasiya naman ni Governor Pacalso ang nasabing oportunidad na ipinagkaloob sa kanila ng PSC.

“It’s an honor for Benguet to be part of one of the biggest sporting event in the country,” ayon kay Pacalso.

Mahigit na anim na libong kabataang atleta ang inaasahang dadayo sa Summer Capital ng bansa upang makipagtunggali.

Ayon Kay Kiram, naniniwala ang PSC na magiging matagumpay ang darating na National Finals ng nasabing multi event sa dahil na rin sa pakikipagtulungan ng mga lokal na opisyal at iba pang stakeholders.

“The collaboration will help cater to the 6,500 participating athletes in Batang Pinoy. The PSC is thankful that both our co-hosts have met the requirements of the games,” sambit ni Kiram.

Kabuuang 21 sports ang lalaruin sa grassroots sports development programa ng pamahalaan.

-ANNIE ABAD