BELFAST (Reuters) – Arestado ang dalawang mamamahayag nitong Biyernes dahil sa umano’y pagnanakaw ng mga dokumento mula sa Northern Ireland police ombudsman, na ginamit para sa isang dokumentaryo hinggil sa umano’y police collusion sa pagpatay sa anim na soccer fans noong 1994.

Agad namang pinalaya matapos makapagpiyansa ang dalawa, at nakakuha ng kautusan mula sa korte upang maihinto ang imbestigasyon ng mga pulis sa mga dokumento at materyales na nakumpiska nitong Biyernes.

Pinangalanan sa 2017 documentary na “No Stone Unturned” ang isang protestant paramilitary gunman na pinaniniwalang pinatay ng pulis ang anim na soccer fans na itinuturing bilang pinakamalalang kabanata ng Northern Ireland’s ‘Troubles’.
Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline