Pinay skateboarder, nagdagdag ng ginto sa PH Team sa Asiad

JAKARTA – Lima ang ‘Powerpuff Girls’ ng Team Philippines sa 18th Asian Games.

Sinundan ni Margielyn Didal ang mga yapak sa pedestal nina weightlifter Hidilyn Diaz at g golf women’s team nang angkinin ang gintong medalya sa skateboarding competition sa Jakabaring Sports City Skate Park dito.

Nangibabaw ang 23-anyos na si Didal sa nine-player finalist na kinabibilangan ng mga liyamadong Japanese at Indonesian skateboarders.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Bunsod nang panalo, umakyat sa apat na gintong medalya ang hakot ng Team Philippines sa quadrennial meet – pinakamatikas mula nang makamit ng Team Philippines ang 4 na ginto sa 2006 edition sa Doha, Qatar. Nahigitan naman ng koponan ang isang gintong medalya napagwagihan sa Incheon Games may apat na taon na ang nakalilipas.

Nananatili pa ring ‘best finish’ ang 14 na ginto, 14 na silver at 17 bronze na napagwagihan nang maging host ang Pilipinas sa 1954 edition kung saan tumapos ang Pinoy sa second overall sa likod ng kampeong Japan.

Sa Jakarta, si Didal ang ikalimang Filipina na nakakuha ng gintong medalya matapos magwagi sina Hidilyn Diaz at Yuka Saso, gayundin ang golf team members na sina Bianca Pagdanganan at Lois Go.

“Boundary na tayo. Lumagpas na tayo sa target natin and we’re happy with the performance of our athletes. Hindi sila sumuko, talagang lumaban para sa bayan,” pahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Maging ang Pangulong Duterte ay masaya sa performance ng team Philippines, ayon kay Ramirez.

Bukod sa apat na ginto, may 13 bronze medal na din ang Pilipinas, kung saan karamihan dito ay mula sa mga kababaihang atleta.

Sina Junna Tsukii nga Karatedo, Meggie Ochoa ng Jiujitsu, Cherry May Ragalado ng Pencak Silat, Paulen Lopez ng Taekwondo, Divine Wally ng Wushu, Agatha Wong ng Wushu at sina Rinna babanto, Juvinile Crisostomo at Janna Olivia ng taekwondo ang mga Filipina na nagbigay naman ng bronze medal sa kampanya ng Pilipinas para sa Asiad.

Matapos ang isang araw na pahinga matapos ideklara ng organizers na awtomatikong finalists ang siyam na skateboarders, kaagad na naghada si Didal. “There are only nine entries in the event so it was decided that all of them would be outright finalists during the team managers meeting held last Monday,” pahayag ni Skateboard Association of the Philippines Inc. president Monty Mendigori.

Sa ginawang drawing of lots, napili si Didal bilang No.5 performer.

“Cool lang po ako,” sambit ni Didal, No.8 sa 12 entries sa XTreme Games nitong Hulyo sa Minneapolis, Minnesota.

Sumabak ang 19-anyos Cebuana sa torneo na unang nilaro sa Asian Games.