ANG ganda ng pagkaka-illustrate kay Kris Aquino ng isa sa mga Instagram followers niyang si Mawee Borromeo, at sa ilang cast ng Crazy Rich Asians na sina Henry Golding, Awkwafina, at Nico Santos.
In fairness, kuhang-kuha ni Mawee ang mukha ni Kris. Pati ang pagngiti, hikaw, at ang mamahaling kuwintas na isinuot niya sa pelikula.
Humanga at nagpasalamat si Kris kay Mawee, pero naaliw kami dahil napansin ng Queen of Online World and Social Media na mali ang relo na suot niya sa drawing.
“@maweeborrs, hi… great illustration, you captured my face & expression perfectly-but sadly, wrong watch. I don’t have that particular model,” post ni Kris.
“Aww thank you so much! This was just for an article on what they imagined the characters would wear though hehe @lucerneluxemagazine,” sagot naman ni @maweeborrs.
Anyway, base sa report ng Warner Brothers Philippines ay umabot na sa P82.7 milyon ang kinita ng Crazy Rich Asians sa loob ng isang linggo simula noong Agosto 22. Ito na ang pinakamalaking kinita ng isang romantic comedy film na ipinalabas sa Pilipinas.
Ayon pa sa Warner Bros: “CRA opening box office P82.7M, biggest for Warner Brother film for 2018 and Biggest opening for a foreign film/English Rom-Com All-Time.”
Nalampasan ng Crazy Rich Asians ang kinita ng Maid In Manhattan ni Jennifer Lopez, na ipinalabas sa Pilipinas noong 2002.
Anyway, nakatulong nang malaki ang magagandang reviews sa CRA ng mga nakapanood na. Higit sa lahat, maraming Ponoy ang nanood nito, dahil curious sila kung ano ang ginawa ni Kris sa pelikula bilang si Princess Intan.
Sinasabi ng marami na “extra” lang si Kris sa pelikula, at inamin naman niyang ilang minuto lang siyang ipinakita sa screen, pero mahalaga ang karakter niyang Princess Intan, dahil may sarili siyang highlight at napanood ito sa isang Hollywood movie.
Ang ilang minutong exposure ni Kris ang isa rin sa mga dahilan kung bakit naka P82.7 milyon ang Crazy Rich Asians sa Pilipinas. Aminin man nila ito o hindi.
Anyway, mukhang nagpapalakas pa rin si Kris ngayon dahil hindi siya masyadong aktibo sa social media these days. Nag-post lang siya nitong Lunes, bago maghatinggabi, na binabasa niya ang mga sinabi ng mama niyang si ex-President Corazon Aquino.
“Reading my mom’s words makes me realize how much of me was shaped by her.”
Ang words ni President Cory: “I guess my religious faith sustained me more than anything else. Family is also very important. If I didn’t have children, it would have been too difficult. Even if you are strong, you still need people who would support you all the way.”
-REGGEE BONOAN