Korean shooting, tinik na bubunutin ng Philippine basketball team

JAKARTA – Kung may nais ipahiwatig ang South Korea sa Team Philippines – ang dominanteng 117-77 panalo sa Thailand – klaro na kailangan ng Pinoy ang tripleng depensa para makausad sa semifinals ng 18th Asian Games men’s basketball tournament.

Ipinakita ng Koreans sa Philippine scouts kung anong klaseng opensa ang kailangang nilang pigilan matapos maisalpak ng defending champion ang 15 three-pointers tungo sa 40-puntos na blowout sa Thai side.

Habang nagmamando si naturalized center Ricardo Ratliffe sa depensa at inside game, nagsagawa ng shooting clinics ang Koreans para makumpleto ang ‘sweep’ sa Group A eliminations.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nanguna si Jeon Junbeom sa naiskor na 20 puntos, tampok ang 5-of-8 sa rainbow area, habang kumana ang rookie na si Heo Ung ng 12 puntos.

Sa kabuuan, tumipa ang Koreans ng 15-of-32 sa three-point territory para sa mataas na 47 percent.

“The best thing about Korea is they’ve been so patient running their plays. They rely on their ball movement and would wait for an opportunity to break down the defense and attack it,” pahayag ni Philippine coach Yeng Guiao.

Bukod kay Ratliffe, nakapaglaro bilang import sa PBA, markado ang beterananong sina Heo Ilyoung at Lee Junghyun, nalalabing miyembro ng koponan na nagkampeon dito may apat na taon na ang nakalilipas.

Kumpiyansa si Guiao, na malalagpasan ng Nationals ang Koreans, ang tinik sa lalamunan ng Pinoy sa nakalipas na mga Asian Games. Kaya’t puspusan ang paghahanda ng Nationals.

“Korea has a different system. Hindi sila nagri-rely sa malalaki nila,” aniya.

“They rely on ball movement. We have to prepare for their quickness.”

Haharapin ng Team Philippines ang Koreans sa quarterfinals sa LunesAng panalo sa Koreans ay magbibigay sa Pinoy ng pagkakataon sa medal round.

“Korea is more of a team game. They move the ball around. If you lose your focus, if you lose your patience, that’s the time you break down on defense. I guess those are the things that we have to plan against Korea,” ayon kay Guiao.