Patay ang isang barangay chairman makaraang tambangan ng apat na hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Cabcab, Isabela, Negros Occidental, iniulat kahapon.

Sa imbestigasyon ng Isabela Municipal Police Station (IMPS), kinilala ang biktima na si Roy Pagapang, nasa hustong gulang, kapitan ng Bgy. Lipas, sa Isabela.

Ayon kay Supt. Randy Babor, hepe ng IMPS, patungo ang biktima sa Bgy. Cabcay nang pagbabarilin ng apat na nakasuot ng bonnet.

Agad nasawi si Pagapang sa tinamong bala sa ulo.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sa pagsisiyasat, nabatid na dalawang buwan na ang nakalilipas nang makulong si Pagapang matapos iturong suspek sa pamamaril sa mag-asawang Joemy at Janet Gelacio sa Bgy. Libas.

Kinasuhan din ng grave misconduct in office at gross negligence dahil sa pagbebenta umano ng lupang pag-aari ng Libas Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative.

Ayon sa awtoridad, posibleng pinatay ang biktima dahil sa mga kasong kinasasangkutan nito.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

-Fer Taboy