Mas maraming international event, hiling ni Clarkson sa NBA

JAKARTA (AP) – NANAWAGAN si Cleveland Cavaliers guard Jordan Clarkson sa NBA na maging mas maluwag at payagan ang mga players na makapaglaro sa mas maraming global tournaments upang mas makatulong sa pagpapalawak ng popularidad ng sports sa mundo.

CLARKSON: For the betterment of basketball

CLARKSON: For the betterment of basketball

Matapos ang kontrobersya, pinayagan ng NBA si Clarkson na makapaglaro sa Pilipinas sa Asian Games sa bisa ng ‘one-time exception’.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

May nalagdaan nang kasunduan ang NBA at FIBA kung saan papayagan lamang ng NBA na makalaro ang players sa kanilang sariling bansa sa Olympics at World Championship.

“After being told no so many times, I refused to give up. I kept fighting,” pahayag ni Clarkson, flag bearer ng Team Philippines sa parade ng atleta sa opening ceremony.

“I’m here now, ready to compete. Just playing in the Games already means a lot me. It’s a great experience for me. Getting a medal would be an amazing achievement.”

Higit na nasiyahan ang mga Pinoy nang magdesisyon ang NBA at makasama si Clarkson sa koponan na naghahangad na makausad sa podium ng Asiad.

Huling nakatikim ng championship match ang Pilipinas noong 1990 Beijing Games kung saan natalo ang Pinoy sa China.

Ayon sa NBA, inaalala nila ang kalagayan ng mga players na posibleng magtamo ng injury sa paglalaro sa international competition.

Bukod sa 26-anyos na si Clarkson, dalawang Chinese players—ang Houston Rockets centre na si Zhou Qi at ang Dallas Mavericks forward na si Ding Yanyuhang—ang pinayagan din ng NBA na makapaglaro sa Jakarta Asiad.

“I think they get the point -- in Asia kids are picking up a basketball. I feel like the NBA is allowing us to do our thing. I know soccer is still a big sport, but if soccer is up there I feel basketball is right underneath,” sambit ni Clarkson.