MAY kaguluhan palang nangyari sa Kapuso Mall Show sa Iloilo City dahil habang kumakanta si Kyline Alcantara ay may nag-boo sa kanya, na umano’y fans ni Bianca Umali. May isyu ang dalawang ito habang ginagawa nila ang Kambal Karibal at hanggang sa natapos ang hit series ng GMA-7 ay hindi sila nagkaayos.

Nagkaselosan dahil kay Miguel Tanfelix, na inakala ng fans nina Bianca at Miguel ay nililigawan ng binata si Kyline. Ayun, simula noon, mainit na ang dugo ng BiGuel Fans kay Kyline, at kung anu-ano ang itinatawag sa kanya.

Hanggang umabot na nga sa puntong na-boo si Kyline sa Kapuso Mall Show, na iniyakan ng dalagita. Nag-tweet ito after at nag-sorry.

“Sorry if I cried in the middle of my performance. Sorry kung may negativity na pumasok dun sa stage while I’m performing. I’m sorry. All I want is to spread positivity sa lahat. Pero, nakakabastos lang,” tweet ni Kyline.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Paano magte-taping ng Daig Kayo Ng Lola Ko sina Kyline at Bianca kung may isyung ganito? Sila ang tampok sa buong buwan ng September sa Sunday show ng GMA-7, at kambal daw ang role nila. Sa August 23 na sisimulan ang taping nila. Pero paano sila magte-taping kung may ilangan?

Samantala, ang song ni Kyline na Parang Baliw ang gagamiting theme song ng Korean drama na While You Were Sleeping. Kung hindi kami nagkakamali, ang nasabing kanta ay nakapaloob sa self-titled album ni Kyline, na ang pre-selling ay sa September 8, kasabay ng concert niyang Kyline TAKE FL16HT na gaganapin sa SM Skydome.

-NITZ MIRALLES