KAILANGANG bumuo ng mediation committee ang GMA Artist Center na aayos sa umiinit na rivalry nina Bianca Umali at Kyline Alcantara.

Kyline at Bianca copy

Work related ang banggaan ng dalawa sa pinakasikat na young stars ngayon ng GMA Network, nagsimula sa pagsasama nila sa Kambal Karibal. Tinawag ng televiewers na “sanib-serye” ang Kambal Karibal, dahil papalit-palit at palipat-lipat ang kaluluwa ng mga karakter sa iba’t ibang katawan. Ang brilliant na naisip ng creative team na kinaaliwan nang husto ng viewers, pati ang kontrabida ay naging bida at naging kontrabida naman ang bida. Minsang naging bida si Kyline at naging kontrabida si Bianca na nagbunsod ng mga kumparahan kung sino ang mas mahusay gumanap.

Hayun, sabi ng ibang masugid na tagasubaybay ng soap drama, mas mahusay umarte si Kyline kontrabida man o bida.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Resulta, biglang dumami ang fans ni Kyline at muntik nang maitsa-puwera si Bianca.

Nag-leak sa reporters ang namuong isnaban at parinigan ng magkabilang kampo at may isyu pang may ikinulong daw sa comfort room. At dahil nakarating na sa fans, labu-labo na ang away.

Ang pinakasukdulan, nangyari nitong Linggo ng gabi sa jampacked na Kapuso concert sa Iloilo. Habang nagtatanghal sa stage si Kyline, biglang may mga fans si Bianca na nag-boo na ikinapika siyempre ng Sunflowers ni Kyline. Agad kumakat sa social media ang nangyari. Gumanti ang fans ni Kyline sa pagtawag ng insecure sa kampo ni Bianca.

Ito ang dahilan kaya nag-post nito si Kyline pagkatapos ng concert:

“Set an example. Treat everyone with kindness and respect, even those who are rude to you. MY SUNFLOWERS knows the word ‘respect’.”

Mabuti’t walang pisikalang komprontasyon sa venue. Pero hindi na dapat pang hintayin ng GMA Artist Center na umabot pa sa ganito. Maiiwasan ang mga away kung paghaharapin at pagkakasunduin nila sina Kyline at Bianca.

Sa mga soap opera na kathang-isip lang sila dapat maging magkaaway, hindi sa tunay na buhay. Sa ganitong paraan lang mapapatigil ang away nila na extended na maging sa fans.

-DINDO M. BALARES