IBINAHAGI ni Miss Universe 1999 First Runner-up Miriam Quiambao-Roberto ang magandang balita sa kanyang Intagram account—nine weeks pregnant na siya sa kanyang panganay.
Ayon sa 43-anyos na Beauty Queen, apat na taon na nilang ipinagdarasal ng kanyang asawang si Ardy Roberto, isang author at motivational speaker, na magkaroon na sila ng anak. Excited na ipinakita ng mother-to-be sa IG ang sonogram na kuha sa Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa City. May #MiracleBaby pa sa kanyang post dahil “conceived naturally” umano ang kanyang baby.
May caption ang larawan: “Thanking God for the miracle of life and for answering our prayers. Ardy @ardyroberto and I have been praying to get pregnant for the past 4 years.
“In June 2018, we were resigned that perhaps God will answer our prayers through the miracle of adoption or through IVF but Praise God who is the author of miracles and the creator of life!
“By His grace, He rewarded our faith with the greatest gift: a baby conceived naturally!!! There is more to this story and will be sharing it in my blog soon! Watch out for it!
“Thank you to all who prayed for us and do keep us in your prayers for a safe and healthy pregnancy! May God bless you and answer your prayers too! #GodAnswersPrayers,” sabi n Miriam.
Nakilala ang Bicolana beauty queen nang manalong 1st runner-up sa 1999 Miss Universe pageant na ginanap sa Trinidad and Tobago. Sa ngayon, isa si Miriam sa mga aktibong nagsusulong ng kampanya laban sa depresyon.
Unang ikinasal si Miriam sa Italyanong si Claudio Rondinelli, ngunit nagkahiwalay sila at annulled na ang kasal. May anak naman si Ardy sa dati nitong asawa.
-ROBERT R. REQUINTINA