Umaasa si Senador Paolo Benigno “Bam” Aquino IV sa pagkakaisa ng mga Pilipino upang isulong sa pamahalaan ang agarang pagpasa ng “Bawas Presyo Bill”, na makatutulong para mapagaan ang pasanin sa mataas na presyo ng bilihin, resulta ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

“Kung ayaw man ito pansinin ng administrasyon, ang taumbayan na ang nagsasabi na certified urgent ang Bawas Presyo Bill,” ani Bam.

Layunin ng panukala na suspindihin ang excise tax sa langis sa ilalim ng TRAIN Law kapag lumampas ang average inflation rate sa taunang inflation target sa loob ng tatlong buwan.

“Sa Bawas Presyo Bill, bababa ang presyo ng diesel, gasoline at kerosene para mabigyan ng ginhawa ang mga Pilipino sa taas-presyo,” paliwanag ni Bam.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

-Leonel M. Abasola