Sinunod lang ng mga opisyal ng Bureau of Customs (BoC) at Manila International Container Port (MICP) ang proseso sa pagpapalabas ng shipment, na sinasabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay naglalaman ng P6.8-bilyon halaga ng shabu nitong Agosto 9.

Ito ang lumitaw sa unang araw ng pagdinig ng House committee on dangerous drugs, na pinamumunuan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, sa sinasabing shabu shipment na nakalagay umano sa mga basyong magnetic lifter na nadiskubre sa isang bodega sa Cavite.

Sinabi ng isang opisyal ng BoC, na ayaw ipabanggit ang pangalan, na hindi nagpabaya ang mga opisyal ng MICP sa tungkulin nito sa pagpapalabas sa nasabing shipment.

Ang nasabing shipment, na may assessed duties and taxes na may kabuuang halaga na P157,673, ay minarkahan na “red” sa Selectivity System ng BoC, kaya kumpirmadong sumailalim sa X-ray inspection.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“The X-ray results, however, yielded ‘no suspect’ or no suspicious image, thus the subject shipment was not physically examined in accordance with BoC Commissioner Isidro Lapeña’s memorandum dated September 26, 2017. The memorandum states that all shipments tagged RED are not required to undergo 100% X-ray inspection and only those with suspiscious images shall forthwith be physically examined,” paliwanag ng opisyal.

-Beth Camia