CAMP COL. RAFAEL C. RODRIGUEZ, Butuan City – Sinalakay ng mga pulis ang bulubunduking bahagi sa Agusan del Sur at nadiskubre ang marijuana plantation, base sa inisyal na ulat na natanggap ng police regional headquarters dito, nitong Lunes.

Aabot sa 30 pulis ang sumalakay. Sinuyod ng mga tauhan ng Agusan del Sur Police Provincial Office (PPO), La Paz Municipal Police Station (MPS) at Agusan del Sur Provincial Mobile Force Company at tinatayang nasa P2.5 milyong halaga ng marijuana ang natagpuan sa Kasapa 2, La Paz ng nasabing probinsiya nitong Sabado, sa ganap na 3:00 ng hapon.

Ang lugar, na nasa layong 60 kilometro mula sa pinakabayan ng La Paz, ay hindi halos mapuntahan dahil sa kasukalan.

Natapos ang operasyon nitong Lunes, base sa ulat.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

-Mike U. Crismundo