Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang siyam na buwang suspensiyon laban kay San Idelfonso Mayor Paula Carla Galvez-Tan ng Bulacan, matapos siyang hatulang guilty sa simple misconduct dahil sa pagsigaw sa sangguniang bayan (SB) session.

Inireklamo nina SB members Luis Sarrondo, Alexander Galvez, Eriberto Magbitang, Roderick Salvador at Edgardo Vergel si Galvez-Tan noong Agosto 4, 2017.

Ayon sa mga complainant, Oktubre 18, 2016 ay idineliberate ng SB ang 2017 Appropriation Ordinance ng munisipalidad. Sa kabila ng subpoena ng SB, hindi dumalo ang department heads ng munisipalidad. Dahil dito, naantala ang ordinansa.

Sa kasagsagan ng deliberasyon, iniulat na pumasok si Galvez- Tan, kasama ang kanyang mga bodyguards, at binantaan ang mga complainant na hindi makakalabas kapag hindi inaprubahan ang kanyang budget.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon pa sa mga complainants, ang budget na nais ng alkalde ay "suspicious and could be the subject of abuse by respondent."

"There is substantial evidence to find respondent administratively liable, not for grave misconduct as charged but for simple misconduct only, for shouting and confronting complainant Vergel during the SB session," nakasaad sa desisyon.

-Czarina Nicole O. Ong