GAANO ba kabayolente ang pelikulang We Will Not Die Tonight ni Erich Gonzales, na kasama sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), at mapapanood na sa Miyerkules, Agosto 15? Hindi raw kasi ito maipalalabas sa lahat ng SM Cinemas dahil sa R-18 ratings na ibinigay dito ng Movie and Television Review Classification Board (MTRCB).

Erich

Si Richard Somes ang nagdirek sa pelikula, na produced mismo ni Erich.

“Ano ba ‘yan, paano makakabawi si Erich sa gastos niya kung hindi puwedeng ipalabas sa SM ang We Will Not Die Tonight, dahil R-18?” dismayadong sabi sa amin ng isang taga-Dos.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Mas maraming foreign movies na mas grabe pa, pero nakalusot dito sa atin, at R-16 lang ratings? Parang unfair,” dagdag pang himutok.

Ibig sabihin, mas matindi ang action scenes ng We Will Not Die Tonight kaysa Buy Bust ni Anne Curtis. Parehong napanood sa nakaraang New York Asian Film Festival ang dalawang pelikula.

Hindi kami makapag-comment sa pelikula ni Erich dahil hindi pa namin ito napapanood, pero may punto ang kausap naming. May napanood kaming foreign film na R-13 ang ratings pero tungkol sa droga, at grabe ang mga patayang eksena, dahil brutal talaga. Ang tinutukoy namin ay ang Billionaire Boys Club, na para sa amin ay dapat R-16.

Gayunman, may natiyempuhan na rin kaming pelikulang R-18 pero malakas naman sa takilya, ‘yun lang hindi sa SM Cinemas.

Sana mabago ang ibinigay na ratings ng MTRCB sa We Will Not Die Tonight, para mabawi naman ni Erich ang gastos niya, bukod pa sa first venture ito ng aktres sa movie production.

Dugo’t pawis ang perang ginastos ni Erich sa pelikula, dahil ang iba ay galing sa talent fee niya sa Blood Sisters, na finale presscon na ngayong araw

-REGGEE BONOAN