ACTING runs in the family, kaya hindi na dapat pang pagtakhan ang pagpirma nina Mavy at Cassy Legaspi, ang kambal nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi sa GMA Artists Center kamakailan.

Cassy at Julie Anne

Si Zoren ang tumatayong manager ng kambal.

Walang dudang lumaki ang kambal sa paningin ng publiko. Naging familiar sight sina Mavy at Cassy sa paglabas nila sa iba’t ibang TV commercial, kabilang na ang sa isang sikat na ice cream brand.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Ayon kay Mavy, noon pa niya gustong pasukin ang showbiz. Hindi naman tinutulan nina Carmina at Zoren ang desisyon ng mga anak, provided na gagawin nilang priority ang kanilang pag-aaral.

Pagkanta naman ang target pasukin ni Cassy, gaya ng idolo niyang si Julie Anne San Jose.

Happy ang kambal sa magandang pagtanggap sa kanila ng Kapuso network, kung saan din napapanood ang kanilang mga magulang.

-REMY UMEREZ