MONTREAL, QC - AUGUST 12: Simona Halep of Romania hits a return against Sloane Stephens in the final during day seven of the Rogers Cup at IGA Stadium on August 12, 2018 in Montreal, Quebec, Canada.   Minas Panagiotakis/Getty Images/AFP
Simona Halep

MONTREAL (AP) — Ginapi ni top-ranked Simona Halep si third-ranked Sloane Stephens, 7-6 (6), 3-6, 6-4, nitong Linggo (Lunes sa Manila) para makamit ang ikalawang Rogers Cup title.

Tinanghal din kampeona ng 26-anyos Romanian star sa hard-court event na nagpapalipat-lipat sa Toronto at Montreal noong 2016 sa Montreal.

Sa rematch ng finals ng French Open, muling nanaig ang tikas ni Halep at naisalba ang ratsada ni Stephens sa laro na tinampukan ng 15 service breaks. Nahila ni Halep ang dominasyon kay Stephens sa anim na laban. Dedepensahan ng 25-anyos na American ang U.S. Open title, ngunit tangan niya ang 0-8 marka laban sa No. 1-ranked players.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I couldn’t believe that it’s over,” sambit ni Halep. “I was really tired. I feel like these tournaments, at this level, you have to have one day off between the matches. It’s really tough. It’s brutal. This week it was really tough.”

Nakamit ni Halep ang ikatlong titulo ngayong season at ika-18 sa kabuuan ng career.