Patuloy na mino-monitor ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kalagayan ng 250 Pilipino sa Lombok kasunod ng pagtama ng ikatlong malakas na lindol sa Indonesia sa loob ng dalawang linggo, na nag-iwan ng 347 patay at pagkasira ng mga istruktura.

Ayon sa DFA, puspusang inaalam ng Embahada ng Pilipinas sa Jakarta ang sitwasyon ng mga kababayang nasa Lombok at sa karatig lugar kasama na ang Bali, kasunod ng muling pagtama ng 6.2 magnitude na lindol nitong Huwebes

Nagpasalamat naman ang Embahada ng Pilipinas sa Indonesian authorities sa maagap na paglilikas sa pitong Pilipinong opisyal mula sa Lombok na dumalo sa isang pagpupulong roon nang tumama ang 6.9 magnitude na lindol nitong Linggo.

-Bella Gamotea
Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'