SA grand presscon ng Ang Babaeng Allergic Sa WiFi, natanong ni Yours Truly ang isa sa cast ng pelikula na si Yayo Aguila kung may rules ba siya sa bahay nila tungkol sa paggamit ng mga anak niya sa WiFi, Internet and other modern gadgets.“Kasi malalaki na ‘yung mga anak ko. ‘Yung tatlong girls nagwo-work na. ‘Yung isa na lang ang nagse-surf, pero so far wala naman akong problems.

yayo copy

“Pero ako ngayon sine-set ko na lang talaga na ‘pag kumakain kami o lumalabas para bonding-bonding dapat walang gadgets. Kasi ‘yung mga times na magkakasama kami, ‘yun lang ang time namin for family bonding.”

Tama! Need talaga ng mga parents ngayon na magkaroon ng rules sa paggamit ng WiFi at gadgets ang kani-kanilang dyunakis, na kailangang limited lang ang paggamit, para may oras sa pag-aaral at bonding with their family sa true lang, noh.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Sa pelikula kasing Ang Babaeng Allergic Sa WiFi, nagkaroon ng sakit ang bidang si Sue Ramirez dahil sa kakagamit ng modern gadgets with WiFi. Dumudugo ang ilong niya due to radiation, kaya dinala siya ng lola niyang si Boots Anson-Roa sa isang malayong probinsiya na hindi abot ng modern technology. As in no WiFi, no gadgets. Period.

Hirit na tanong pa ni Yours Truly kay Yayo, bakit ang husband niyang si William Martinez laging active sa teknolohiya, lalo na sa Facebook. Madalas namin itong nakikita na nagpo-post ng comments or nagla-like ng mga posts?

“ Ay, opo, marami po ang nagsasabi sa akin niyan. Eh, siguro kailangan niya ‘yun, lalo na siguro kung nabo-bored siya.”

So okay sa iyo na gumamit siya lagi ng WiFi?

“Si William po? Ay, okay lang po kasi hindi na kami magkasama sa bahay. Ha, ha, ha. Matagal na po kaming hiwalay, Tita Mercy, may 10 years na. Hindi n’yo po alam?” ang humahalakhak niyang sagot, at natawa rin tuloy ang mga nasa presscon.Anyway, panoorin na lang natin ang Ang Babaeng Allergic sa WiFi, na showing na this August 15-21 in cinemas nationwide, para hindi magkaroon ng allergy, coz sabi nga, prevention is better than cure.

Starring din sa nasabing film ni Direk Jun Robles Lana sina Markus Paterson, Jameson Blake, Lee O’Brien, at iba pa, sa pamamahala ng Idea First company ni Direk Perci Intalan with of course Direk Jun, plus their co-producer Ms. Jane J. Basa.

-MERCY LEJARDE