Patay ang isang ama habang habang arestado ang anak nito makaraang makipagbarilan sa awtoridad sa Oplan Sita sa Pasay City, kamakalawa ng gabi. Dalawang pulis naman ang sugatan.

Dead on the spot si Edgardo Samson y Lopena, nasa hustong gulang, na nagtamo ng ilang tama ng bala sa katawan habang nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital si Mark Vincent Ocampo, nasa hustong gulang, na nagtamo ng tama ng bala sa hita.

Isinugod naman sa San Juan De Dios Hospital sina PO3 Tina Villanueva, nadaplisan ng bala sa balikat at tuhod; at PO1 Arman Canasares, na nabaril sa bewang.

Sa ulat ni Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr., Southern Police District (SPD) director, nauwi sa engkuwentro ang Oplan Sita ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 7 ng Pasay City Police sa F. De Guzman Street, Malibay sa nasabing lungsod, dakong 9:00 ng gabi.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa inisyal na imbestigasyon, namataan nina PO3 Villanueva at PO1 Canasares ang mag-ama na kahina-hinala ang kilos at nakitaan ng baril si Edgardo.

Nilapitan ng mga pulis ang mag-ama at inutusan si Edgardo na isuko ang baril, ngunit binunot nito at pinaputukan umano ang awtoridad.

Mabilis umanong dinakma ni Mark Vincent ang kamay ni PO3 Villanueva at tinangkang agawin ang service firearm nito na nauwi sa pagkakasugat ng mga ito.

Sa kabila ng tinamong sugat ni Edgardo, nagawa nitong tumakas ngunit natunton siya sa follow-up operation matapos pumasok at magtago sa isang bahay sa Cornejo St., Malibay, at muli umanong nakipagbarilan sa awtoridad na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Narekober sa pinangyarihan ang isang granada, baril at pitong pakete ng hinihinalang shabu.

-Bella Gamotea