NAGSIMULA na nitong Lunes ng gabi ang pinakabagong Telebabad offering ng GMA na Onanay, na pinagbibidahan nina Mikee Quintos at Kate Valdez, kasama ang pinakabagong Kapuso artist na si Jo Berry.

Jo copy

All-star cast agad ang pambungad nito sa mga manonood dahil kabilang sa serye ang dalawa sa pinakamahuhusay na aktres sa bansa, ang Superstar na si Nora Aunor at ang primera kontrabidang si Ms. Cherie Gil.

Para sa fans, siguradong kaabang-abang ang mga eksena sa primetime soap dahil sa pampamilyang kuwento nito.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Pero ang mas kinagiliwan ng lahat ay ang nakakagulat na pag-arte ni Jo, na talaga namang napakanatural.

Excited ang fans sa mga susunod na tagpo lalo na kapag nagpakita na sina Mikee at Kate, na gaganap na mga anak ni Jo at isa sa mga tiyak na tututukan sa Onanay, gabi-gabi after ng Victor Magtangol.

-MERCY LEJARDE