NASA ospital pa rin hanggang kahapon ang pop superstar na si Pink dahil sa stomach virus, kaya wala siyang nagawa kundi ang kanselahin ang kanyang tatlong show sa Sydney, pahayag ng kanyang promoter.

(Photo by Matt Sayles/Invision/AP, File)

(Photo by Matt Sayles/Invision/AP, File)

Ang unang concert ng Beautiful Trauma world tour ng singer sa Sydney ay nakatakdang ganapin noong Biyernes ng nakaraang linggo, ngunit kinansela niya ito dahil na rin sa payo ng kanyang doktor.

Nag-tweet ang Promoter Live Nation na dinala sa ospital si Pink nitong Linggo dahil dehydrated siya, pero pagkaraan ay lumabas na rin naman. Ngunit hindi nagtagal ay bumalik siya sa ospital dahil na-diagnose siya na mayroong gastric virus, ilang oras bago ganapin ang kanyang Monday concert.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Inihayag kahapon ng Live Nation na hindi na matutuloy ang kanyang Tuesday night show, batay sa kondisyong medikal ng singer.

“Pink remained in hospital overnight, continuing her treatment and recovery. She will be reassessed by her doctors today,” lahad ng Live Nation sa isang pahayag.

Inaasahan namang naire-reschedule ang tatlong nakanselang shows.

Ang Australian tour ni Pink ay mula Hulyo 4 hanggang Agosto 26.

Huling nag-tour si Pink sa Australia noong 2013 nang nagtanghal siya ng 46 na show bilang bahagi ng kanyang Truth About Love world tour.

-Associated Press