NONTHABURI, Thailand – Matikas na sinimulan ng Batang Gilas-Philippine basketball team ang kampanya sa 2018 Fiba Under-18 Asian Championship sa dominanteng 75-53 panalo kontra Lebanon sa opening day nitong Linggo sa Nonthaburi Center.
Pinangunahan ni Dave Ildefonso, anak ni PBA two-time MVP Danny Indefonso, ang ratsada ng Nationals sa naiskor na 19 puntos sa first half kung saan naitarak ng Philippines ang 41-33 bentahe sa halftime.
Nag-ambag si Britain-based Fil-Nigerian center AJ Edu sa naiskor na 17 puntos, 12 rebounds, at limang blocks, habang kumana ang 7-foot-1 na si Kai Sotto ng 12 puntos at walong board.
Impresibo rin sa kanyang international debut si Dalph Panopio na kumubra ng 12 puntos, anim na assist, apat na rebounds, at tatlong steals.
Nagawang makontrol ng Pinoy ang board sa nahugot na 68 reboundss laban sa 41 ng Lebanese.
Sunod na haharapin ng Nationals ang United Arab Emirates ganap na 6:45 ng gabi ng Lunes.
Iskor:
PHILIPPINES (75) – Ildefonso 19, Edu 17, Panopio 12, Sotto 12, Amsali 5, Ramirez 5, Chiu 2, Cortez 2, Abadiano 1, Lina 0, Oczon 0, Torres 0.
LEBANON (53) – Zanbaka 12, Kopaly 9, Dargham 7, Bedikian 6, Kasab 6, Htait 5, Khoueiry 3, Khayat 2, Mougharbel 2, Saade 1, Karime 0, Samaha 0.
Quarterscores: 25-15, 41-33, 59-41, 75-53.