NAKALABAS na ng ospital si Demi Lovato, makaraang isugod dalawang linggo na ang nakalipas dahil sa umano’y overdose.

(Photo by Jordan Strauss/Invision/AP, File)

(Photo by Jordan Strauss/Invision/AP, File)

Ayon sa source na malapit kay Demi, lumabas na ang singer sa Cedars-Sinai Medical Center sa Los Angeles nitong nakaraang linggo. Hindi naman nagpakilala ang source dahil walang permisong maglabas ng detalye ang naturang source tungkol sa paksa sa publiko.

Naospital si Demi noong Hulyo 24.

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

Binasag ng 25 taong gulang ang kanyang pananahimik nitong Sunday, sa pagpo-post ng mahabang mensahe sa Instagram, at sinabing patuloy niyang lalabanan ang adiksiyon.

“I have always been transparent about my journey with addiction. What I’ve learned is that this illness is not something that disappears or fades with time. It is something I must continue to overcome and have not done yet,” aniya.

“I now need time to heal and focus on my sobriety and road to recovery. The love you have all shown me will never be forgotten and I look forward to the day where I can say I came out on the other side.”

Pinasalamatan ni Demi ang Diyos, kanyang fans, pamilya, team at hospital staff sa naturang post. Tinapos niya ito ng: “I will keep fighting.”

Nang maospital ay nakatanggap ng suporta si Demi mula sa kanyang mga kapwa entertainer kabilang sina Bruno Mars, Ariana Grande, Ellen DeGeneres, Lady Gaga at Justin Timberlake.

-Associated Press