CABANATUAN CITY - Isang isang taong gulang na lalaki ang nasawi habang anim na iba pa ang sugatan nang matupok ang kanilang bahay sa Barangay Caalibangbangan, Cabanatuan City, kamakailan.

Kinilala ang nasawi na si Arwin Xian Legaspi, ng Sitio Boundary, ng nabanggit na barangay.

Sa imbestigasyon, naganap ang sunog sa nasabing lugar dakong 1:50 ng madaling araw.

Kabilang sa nasugatan si Ariel Legaspi, 52; at live-in partner na si Clarissa Gamillam 40; at mga anak na sina Bryan, Justina at Angelica; at inang si Jovita Gamillam, 64.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago naapula ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Patuloy na iniimbestigahan ang sanhi ng sunog na lumamon sa mahigit P120,000 ari-arian.

-LIGHT A. NOLASCO