KABUUANG  7,000 miyembro ng Youth for United World – isang global organization na produkto ng matagumpay na Focolare Movement sa Italy noong 1943 – ang nagkaisa at nagsagawa ng makabuluhang programa para labanan ang lumalalang polusyon.

NAGKAISA ang mga kabataan mula sa sinusuportahang foundation ng Coca-Cola Philippines sa paglilinis ng Manila Bay.

NAGKAISA ang mga kabataan mula sa sinusuportahang foundation ng Coca-Cola Philippines sa paglilinis ng Manila Bay.

Nakiisa ang Coca-Cola Philippines sa layuning ng naturang youth-riented organization.

National

FL Liza sa pagpanaw ni Pope Francis: ‘Met a saint on earth, now heaven welcomes him home’

 “The youth of today are the future stewards of the planet, and it is a great opportunity to be partnering with them in sharing our vision of a more sustainable world. We hope that through partnerships like these, Coca-Cola becomes an ally of the youth as we contribute in finding better solutions to the various concerns of the communities and the environment,” sambit ni Samantha Sanchez, Coca-Cola Philippines Public Affairs and Communications manager.

Bilang suporta, nakiisa rin sa clean-up drive sa coastal area ng Manila Bay ang ilang empleyado at associates ng Coca-Cola Philippines upang manumbalik ang kalinisan ng lugar na minsan naging tahanan ng mga migratory birds.

Ang kahabaan ng Cavite-Laguna Expressway ay ilan lamang sa nalalabing wildlife reserves sa Metro Manila. Kilala bilang Las Piñas-Paranaque Critical Habitat and Ecotourism Area (LPPCHEA), ang naturang lugar ay planong ayusin at alagaang upang maging permanenteng wildlife sanctuary at  mangrove forest.

 “In line with our global goal to work towards a World Without Waste, we are supporting various organizations that can help us turn this dream into a reality. No matter how small the act may be, it’s one positive action that can create ripples as we continue to strive and find ways to solve the global problem on waste,” pahayag ni Sanchez.

Sa isinagawang clean-up drive na nilahukan din ng may 2,000 kabataan, kabilang ang  Bukas Palad Foundation,kabuuang 278 sako ng iba’t ibang basura ang nakolekta at nailagak sa tamang paglalagyan.

Kamakailan, inilunsad ng Coca-Cola Company ang World Without Waste na programa na naglalayong malinang ang kaisipan ng mamayanan hingil sa problema ng walang habas na pagtatapon ng basura sa karagatan. Ilog at mga estero.