PATULOY ang kasiyahan sa all-new season ng The Boobay and Tekla Show ng GMA Online Exclusives.Pagkatapos ng isang matagumpay na first season, nagbabalik muli ang Kapuso comedic duo na sina Boobay at Tekla para sa second season ng The Boobay and Tekla Show, handog ng GMA Online Exclusives simula bukas, Agosto 7.

Boobay 1 copy

Ang digital comedy program ay nakakuha ng higit sa isang milyong views at mayroong libu-libong loyal online fans na humihiling pa ng mas maraming episodes mula sa dalawa. Ang kanilang signature self-deprecating humor, challenges, at topic sa pop culture ay walang dudang pumukaw sa atensiyon ng online viewers.At sa second season, ihanda ang mga sarili para sa mas masasaya at nakakatawang episodes na siguradong patok sa buong pamilya. Tampok dito ang fresh gimmicks tulad ng mga food trip, highly-requested challenge videos, mga pakikipanayam sa celebrity guests, truth or dare, mga laro, at pati na rin ang mga remake ng mga sikat na video ng Dear Boobay and Tekla at 24 Questions na nagpapakita ng pagka-wacky at talagang nakakaaliw na humor nina Boobay at Tekla.Join the fun at huwag magpapahuli sa masasayang episodes ng The Boobay and Tekla Show, tuwing Martes at Huwebes, 5:00 ng hapon simula bukas, Agosto 7, na eksklusibong mapapanood sa GMANetwork.com at sa YouTube channel ng GMA Network (www.youtube.com/gmanetwork).
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter