DEDEPENSAHAN ni knockout artist Carl Jammes Martin ang kanyang WBO Youth bantamweight title laban sa minsan pa lamang natalong Chinese na si Huerban Qiatehe sa Agosto 6 sa Plaza Bayombong, Bayombong, Nueva Viscaya.

Huling lumaban ang 19-anyos na si Martin nitong Hunyo 21 sa Lagawe, Ifugao kung saan pinatulog niya sa 3rd round si Indonesian light flyweight titlist George Lumoly para matamo ang bakanteng WBA Asia bantamweight belt.

Tubong Kunming ang 19-anyos ring si Qiatehe na huling lumaban sa Jinan, China at pinatulog sa 2nd round ang kababayang si Wansheng Wang.

May rekord si Qiatehe na 7-1-2 na may 2 panalo sa knockouts kumpara kay Martin na may perpektong kartada na 9 pagwawagi, 8 sa pamamagitan ng knockouts.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

-Gilbert Espeña