Umaapela ang grupo ng mga guro sa Department of Education (DepEd) na tugunan ang kanilang problema sa tambak na trabaho sa pagbawas sa “clerical tasks” ng mga guro upang hindi sila maghirap sa “physical and mental health” issues.

Hiniling ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) at ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines, sa magkakahiwalay na pahayag, na repasuhin ng DepEd ang polisiya nito sa workload ng public school teachers upang hindi sila mapagod nang sobra. “Please liberate our teachers from clerical tasks and burden of lesson preparation,” apela ng grupo.

Binanggit ng ACT Philippines ang ilang dahilan “why teachers are overworked.” Dahil sa kakulangan ng education support staff at pagbura sa libu-libong non-teaching items, “our teachers are forced to wear a variety of hats in school—registrar, clerk, librarian, nurse, guidance coordinator, custodian, security guard, and janitor.”

Inugnay ng dalawang grupo ang tambak na trabaho ng mga guro sa mga kaso ng depression at suicide. “With two recent suicide cases attributed to extremely tiring workloads, the DepEd must, once and for all, review its policies on teachers’ working condition,” anang TDC .

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Most importantly, teachers should be justly compensated for their work’s worth,” diin ng ACT.

-Merlina Hernando-Malipot