BAGUIO CITY - Inilagay muna ng Baguio City government ang 55 barangay officials sa "floating status", dahil sa pagkabigong magsumite ng statements of contributions and expenses (SOCE).

Ito ang nakapaloob sa liham ni Mayor Maurcio Domogan hinggil sa mga nahalal na opisyal, at sinabing hanggat hindi nakapaghaharap ng SOCE ang mga ito ay hindi rin makauupo sa kani-kanilang posisyon.

Bukod dito, hindi rin umano sila makatatanggap ng honorarium hanggat wala pang inilalabas na desisyon ang Commission on Elections (Comelec) en banc sa usapin.

Inilabas ng alkalde ang kanyang abiso kasunod ng pagpapanumpa nito kay Kagawad Abdul Cader, ang nangungunang kagawad ng Bgy. Ferdinand, bilang acting bgy. chairman sa lugar.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Layunin, aniya, nito na hindi maantala ang anumang transaksiyon sa nasabing barangay para na rin sa kapakanan ng mga residente sa lugar.

Iniulat na kabilang si Barangay Captain Emmanuel Cabe sa 55 opisyal sa lungsod na hindi nakapagsumite ng SOCE, matapos silang lumagpas sa 30-day filing period.

-Rizaldy Comanda