HANOI (Reuters) – Labintatlo katao ang nasawi at apat ang nasugatan nang bumangga sa isang malaking container truck ang isang bus na nagdadala ng mga bisita patungo sa isang kasalan sa central Vietnam kahapon.

Sakay ng bus ang nobyo at ang kanyang pamilya mula sa Quang Tri province patungo sa bahay ng nobya sa Binh Dinh province sa madaling araw bago ang kasal.

“The accident killed ten of them instantly. Three, including the groom, died on the way to the hospital,” saad sa pahayag.

Nagtamo ng minor injuries ang truck driver. Iniimbestigahan na ng pulisya ang aksidente.
Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo