KUALA LUMPUR, Malaysia – Impresibo ang kampanya ng Team Philippines matapos pumuwesto sa ika-anim sa overall medal standings ng 2018 ASEAN Schools Games nitong Huwebes .
Humakot ang Team Philippines ng kabuuang 36 medalya, tampok ang siyam na ginto, kabilang ang ‘sweep’ sa basketball event para sa ika-anim na puwesto sa 10-country annual meet.
Sumabak ang atletang Pinoy sa 10 sa 11 events at kinapos ng limang ginto para pantayan ang nakamit na 13 ginto sa nakalipas na edisyon sa Singapore. Higit naming mas marami ang silver (7) at bronze (20) kumjpara sa nakalipa sna taon.
Nanguna ang host country Malaysia na may 13 gold, 34 silver, at 32 bronze medals, kasunod ang Indonesia (31-36-30), Thailand (19-21-31), Singapore (13-16-22), at Vietnam (13-8-6).
Kumubra ang athletics team ng anim nag into, apat na silver at anim na bronze medals para tanghaling ‘ best performer’ sa delegasyon.
Tinanghal na ‘most bemedalled’ sa Pinoy contingenmt si runner Jessel Lumapas, Grade 11 standout ng Nazareth School of National University, sa napagwagihang dalawang ginto nang pagbidahan ang 200m at 400m girls events sa Mini-Stadium ng National Sports Complex sa Bukit Jalil.
Nakasungkit din siya ng bronze sa 4x400m event.
Ikinalugod naman ni Philippine Chef-De-Mission Rizalino Jose Rosales ang nagging kampanya ng Pinoy student-athletes, sa kabila ng kabiguan na mapantayan ang nagng tagumpay sa Singapore meet.
“Actually, I am really happy that all events won at least one medal. We actually achieved our goal for this year,” sambit ni Rosales.
Iginiit naman ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Charles Raymond A. Maxey na hindi nabigo ang sambayanan sa ipinakitang tapang at pagpupunyagi ng mga batang atleta.
“I am very proud of them. They represented their country well. But, there will always be winners as well as losers in any sport,” sambit ni Maxey.
Gaganapin ang susunof na edisyon sa Semarang, Indonesia.