KALABOSO makaraang bugbugin ng taumbayan ang isang umano’y nanloob sa bahay ni Gerald Anderson sa Quezon City, nitong Huwebes ng gabi.

Gerald Anderson copy

Kinilala ni Supt. Joel Villanueva, hepe ng Batasan Police Station 6, ang suspek na si Mark Joseph Capalla, 22, construction worker, nakatira sa Pillar Village, Las Piñas City.

Kinasuhan na kahapon si Capalla ng theft sa Quezon City Prosecutors’ Office.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Lumitaw sa imbestigayon ni PO2 Rolando Laddaran, ng Batasan Police Station 6, na dakong 9:00 ng gabi nang pasukin ni Capalla ang bahay ng aktor sa Batasan Hills, Quezon City.

Sa pahayag sa pulisya ni Jalil Laidan, personal assistant ni Gerald, namataan umano nila ang kahina-hinalang tambay sa tabi ng sasakyan ngf aktor at sinita ito, subalit agad umano itong kumaripas ng takbo.

Nang malaman na ninakawan ang bahay ni Gerald, mabilis na tinugis ng taumbayan ang suspek at nang maabutan ay pinagtulugan itong gulpihin bago dinala sa himpilan ng Batasan Police.

Nabawi ng awtoridad sa suspek ang kinulimbat nitong mamahaling sapatos ni Gerald, mga T-shirt ng staff, at ilan pang gamit na nagkakahalaga ng P50,000.

-JUN FABON