Patay ang isang bata nang hindi makalabas mula sa nasusunog nilang bahay sa Kinoguitan, Misamis Oriental, nitong Miyerkules ng gabi.

Sunog na sunog ang bangkay ni Jeff Mico Salvani, 6, ng Purok 3, Barangay Bonggo, Kinoguitan, nang marekober ng mga bumbero sa kanilang kuwarto.

Sa ulat ni Fire Marshal, Chief Insp. Wilfredo David ng Bureau of Fire Protection (BFP)-MisOr, iniwan ang biktima ng kanyang magulang habang ito ay himbing.

Makalipas ang ilang sandal, biglang natumba ang lamparang ginagamit ng pamilya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Dahil gawa sa light materials, mabilis na kumalat ang apoy sa kuwarto kung saan natutulog ang biktima at gumapang sa buong bahay.

Nakaligtas sa insidente ang dalawang nakababatang kapatid ni Salvani.

Sa imbestigasyon, iniwan ang magkakapatid ng kanilang magulang sa pagnanais makinood sa telebisyon ng kapitbahay.

-Fer Taboy