NAGPA-BLOCK screening pala si Sharon Cuneta ng I Love You, Hater sa Rockwell noong isang araw, bilang suporta sa “adopted children” niyang sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Marjorie, Sharon, Julia at Joshua copy

Present ang immediate family ni Sharon, at present din si Marjorie Barretto sa block screening sa Rockwell Cinema last Monday evening.

Sa video na napanood namin, ramdam ang closeness ni Sharon kina Julia at Joshua dahil lagi silang magkatabi at panay ang yakap ni Julia kay Sharon.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Hindi pa naka-post sa Instagram (IG) nina Julia at Joshua ang pa-block screening, at si Marjorie pa lang ang nag-post.

“The presence of the one and only Megastar made the evening extra special for Joshua and Julia. Thank you for the love you have consistently showed them. God bless you more,” post ito ni Marjorie, at sa IG ni Sharon ay nag-post ito ng “We love you.”

Samantala, showing na rin sa ibang bansa ang I Love You, Hater at nag-enjoy ang mga nakapanood. Showing pa rin dito sa bansa ang Star Cinema movie at tuloy pa rin ang pa-block screenings ng friends nina Joshua at Julia, habang karamihan ng nagpa-block screening ay friends ni Kris Aquino.

-Nitz Miralles